DOT, nanawagan sa mga naudlot ang bakasyon ngayong Semana Santa na unawain ang 2 weeks COVID-19 time-out

“Konting tiis lang”.

Ito ang panawagan ng Department of Tourism (DOT) sa magbabakasyon sana ngayong Holy Week pero naudlot dahil sa “General Community Quarantine (GCQ)-bubble” sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal bunsod ng mataas na kaso ng COVID-19.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Tourism Secretary Bernadette-Romulo Puyat na dalawang linggo lang naman ang hiniling na time-out ng mga doktor at health experts upang mapababa ang kaso ng COVID-19 sa mga nabanggit na lugar.


Bagama’t tuwing Semana Santa bumabawi ang turismo ng bansa, mas importante pa rin aniya ang kalusugan at kaligtasan na lahat.

Bunsod nito, sinabi ni Puyat na ang mga bakasyonistang nakabili na ng ticket sa eroplano at mga hotel ay maaaring mag-rebook nang walang penalty.

Habang ang mga apektadong manggagawa sa industriya ng turismo ay mabibigyan aniya ng limang libong pisong ayuda.

Facebook Comments