Sinisilip na ng Department of Tourism (DOT) ang pagpapatupad ng carrying capacity sa Manila Bay kasunod ng pagdagsa ng mga tao sa pagbubukas ng “white sand” project nitong weekend kung saan nabalewala ang physical distancing protocols.
Ayon kay Tourism Undersecretary Benito Bengzon Jr., ang nangyaring insidente ay nagpapakita lang na maraming Pilipino ang gusto nang bumiyahe matapos ang ilang buwang pananatili sa kanilang mga bahay bunga ng ipinapatupad na lockdown.
Pero nagpaalala si Bengzon sa publiko na panatilihing sundin ang health at safety guidelines upang hindi maudlot ang muling pagbubukas ng domestic tourism.
Ang ikatatagumpay ng domestic tourism sa ilalim ng new normal ay nakadepende sa kooperasyon ng publiko sa mga patakarang ipinapatupad.
Pagtitiyak ng DOT na “slowly but surely” ang pabubukas ng mga tourist destinations.