DOT, pinasalamatan ang mga mambabatas na sumuporta na taasan pa ang budget sa susunod na taon

Nagpasalamat ang Department of Tourism (DOT) sa mga mambabatas na nagpahayag ng suporta para taasan ang kanilang budget para sa susunod na taon.

Ito’y makaraang maitala ang ₱2.99-B o halos ₱3-B panukalang pondo para sa susunod na taon na mas mababa ng 20% kumpara sa ₱3.7-B sa kasalukuyang taon.

Ayon kay Tourism Secretary Cristina Frasco, sakaling maipasa ang hirit nilang dagdag pondo, makatutulong ito sa pagsusulong ng mga programa ng administrasyong Marcos na maitampok ang bansa bilang top tourism destination sa buong mundo.


Ito’y upang makapaghikayat ng mas maraming mamumuhunan sa negosyo at makalikha ng mas maraming trabaho dito sa bansa.

Sa naging pagdinig ng Kamara kaugnay ng panukalang pondo ng kagawaran, umani ng suporta ang DOT mula sa mga mambabatas sa paniniwalang malaki ang pangangailangan upang mapanatili ang mga nakalatag na programa ng nasabing ahensya.

Facebook Comments