Pinaplano ng Department of Tourism na sagutin ang kabuuang halaga ng COVID-19 swab tests para sa ating local tourists.
Ito ang masayang sinabi ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat kasabay ng pagdami pa ng mga binubuksang tourist spots sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Sa interview ng RMN Manila, ipinaliwanag ni Puyat na sa kasalukuyan kasi ay nasa P750 ang halaga ng swab tests para sa mga turista na mas mababa kumpara sa kadalasang presyo nito na aabot sa ₱3,000.
Samantala, inaasahan namang nasa 100 porsyento na ng mga residente at tourism workers ang bakunado kontra COVID-19 sa Boracay bago matapos ang Nobyembre.
Aniya, malaking bagay ito sa pagbubukas ng turismo sa bansa kung saan una nang hindi nire-require sa ilang tourist spots ang RT-PCR test result para sa mga fully vaccinated individuals.