DOT, sinigurong isasama ang mga tourism frontliners sa mga prayoridad ng National Vaccination Program ng gobyerno

74

Tiniyak ni Tourism Secretary Bernadette Puyat na kabilang ang mga tourism frontliner sa mga mabibigyan ng prayoridad sa vaccination program.

Ito ang inanunsyo ni Sec. Puyat kasunod ng muling pagbubukas sa domestic tourism ng Puerto Princesa City sa Palawan.


Ayon kay Secretary Puyat, partikular na mabibigyan ng prayoridad ang mga kawani ng mga hotel na ginagawa ng quarantine facility.

Suportado naman ng DOT ang desisyon ng Puerto Princesa City na muling buksan sa turismo ang kanilang mga atraksyon upang makapagbigay ng hanap buhay sa mga residenteng nawalan ng trabaho dahil sa pandemya.

Facebook Comments