DOT, suportado ang mahigpit na entry protocols

Suportado ng Department of Tourism (DOT) ang pagpapatupad ng mahigpit na entry protocols sa harap ng banta ng bagong strain ng coronavirus.

Ayon kay Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, bagama’t pabor sila sa pagbabalik ng inbound travel para sa pagbangon ng ekonomiya, mahalagang unahin ang kalusugan at kaligtasan ng mga tao.

Humihingi ng pang-unawa at kooperasyon ang kalihim sa mga inbound travelers lalo na sa pagsunod sa mga patakaran para sa proteksyon ng mga bisita at lokal na komunidad.


Naglatag na ang DOT ng Health at Safety Guidelines para sa tourism enterprises para matiyak ang ligtas na pananatili ng mga bisita at proteksyon ng mga manggagawa at host communities.

Sakop nito ang mga attractions, restaurants, accommodation establishments, tourist land transport, travel and tour operations, tour guides, island at beach destinations, dive establishments, staycation hotels, spa, at ang meetings, incentives, convention at exhibition (MICE) facilities.

Facebook Comments