Suportado ng Department of Tourism (DOT) ang panukalang “COVID-19 passport.”
Sa ilalim nito, kinakailangan nang ideklara ng international air travelers ang kanilang history ng vaccination at virus infection.
Malalaman sa COVID-19 passport kung ang isang tao ay nabakunahan na.
Ayon kay Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, mahalaga ang hakbang na ito sa muling pagbuhay ng international travels at maibalik ang tiwala at kumpiyansa ng mga tao na bumiyahe sa ibang bansa.
Ang international travel ay posible sa ilang rehiyon o bansa na may mababa o walang kaso ng COVID-19, maliban na lamang kung mayroon ng bakuna.
Facebook Comments