DOT target ang all time high 600,000 Japanese tourist arrival bago matapos ang 2018

Manila, Philippines – Umaasa ang Department of Tourism (DOT) na makakamit ang 600,000 Japanese tourist arrival sa mga susunod na buwan.

Ito ang sinabi ni DOT Secretary Bernadette Romulo-Puyat sa katatapos lamang na Philippine Business Mission to Japan.

Ayon kay Puyat noong isang taon nakapagtala  ang Japan ng 584,180 tourist arrivals na nananatiling nasa ika-apat na pwesto ng mga turista na bumibisita sa bansa.


Ang nasabing bilang ay mas mataas ng 9.14% kumpara sa 535,238 Japanese tourist arrivals noong 2016.

Kasunod nito puspusan din ang ginagawang kampanya ng ahensya upang mas mapalakas pa ang ating turismo

Malaking tulong dito ang flight expansion ng ilang malalaking airlines mula Manila at Clark patungong ibat-ibang syudad sa Japan.

Gayundin ang ginagawang modernization ng mga regional airports na malaking tulong upang mapasigla ang turismo.

Nakipag tie up din ang DOT kina Japan Ms. Universe 2014 first runner-up Hiromi Nishiuchi at ang model na si Izumi “Loveli” Shirahama bilang mga Philippine Tourism Fun Ambassadors para gumawa ng mga promotional campaigns sa Coron, Palawan at Bohol.

Facebook Comments