DOT, tiniyak na ligtas ang Pilipinas para sa mga turista

Tiniyak ng Department of Tourism (DOT) sa international community na nananatiling ligtas ang mga turista sa pagbisita nila sa Pilipinas.

Ito ay kasunod ng pag-isyu ng babala ng U.S. Department of Homeland Security (DHS) na hindi maayos ang security protocol sa NAIA.

Ayon kay Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat – parehong siniguro ng PNP at Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa DOT ang kanilang kahandaan para i-assess at aksyunan ang mga banta para matiyak ang kaligtasan ng mga turista sa domestic at international trips.


Matatandaang inilabas ang babala ng homeland security matapos magsagawa ng assessment ang U.S. Transportation Security Administration (TSA) sa naturang paliparan.

Facebook Comments