DOT, tiniyak na wala ng delayed flights dahil sa upgrade ng NAIA

Maiiwasan na ang pagkakaantala ng mga flights dahil sa nakumpleto na ang infrastructure upgrades sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ito ang inihayag ng Department of Tourism kasabay ng inagurasyon ng airside facilities ng NAIA.

Ayon kay Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, layunin ng mga pasilidad na itaas ang bilang ng commercial aircraft movement sa paliparan.


Palalakasin din nito ang turismo sa pagbubukas ng mga destinasyon.

Hinihikayat ni Puyat ang mga lokal na turista na bisitahin ang mga sikat na isla at destinasyon sa bansa.

Ang Department of Transportation (DOTr) ay nakumpleto na ang pagsasa-ayos at pagsesemento sa NAIA Runway 13/31 at pagtatayo ng karagdagang holding area (H5) sa Runway 13.

Facebook Comments