DOT, tinututukan na ang ulat ng overpricing sa mga seafood na binebenta sa Panglao Island

Iniimbestigahan na ng lokal na pamahalaan ng Bohol at Panglao ang mga ulat ng overpricing sa mga pagkaing binebenta sa Panglao Island.

Sa isang pahayag, sinabi ni Tourism Secretary Christina Frasco na gumawa ng inisyal na aksyon sina Bohol Governor Aris Aumentado at Panglao Island Mayor Boy Arcay sa pagreregulate ng presyo ng pagkain sa mga tourist spot sa isla.

Mababatid na siningil ang isang grupo ng mga turista ng aabot sa 26,000 pesos para sa mga seafood na inihain sa kanila.


Nakikipag-ugnayan na rin ang DOT sa Department of Trade and Industry (DTI) dahil mahalaga ang pricing standards upang mapangalagaan ang kapakanan ng mga konsyumer.

Samantala, nag-isyu ng immediate temporary suspension si Governor Aris Aumentado sa mga motorbanca trips papunta sa naturang Virgin Island dahil sa nagpapatuloy na imbestigasyon sa naturang insidente.

Facebook Comments