Umaasa ang Department of Tourism (DOT) na magkakaroon ng uniformed travel requirements mula sa Local Government Units (LGU) kasabay ng pagbubukas ng tourist destinations sa bansa.
Ayon kay Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, alam nila na ito ang pangunahing problema lalo na sa mga lokal na turista kapag magbo-book ng biyahe bilang requirements at nakadepende sa destinasyon.
Ang Baguio City, Ilocos Norte, Ilocos Sur, Palawan at Siargao Island ay mga major tourism sites ay nagbukas na ng border para sa mga local tourist.
Sinabi ni Puyat na ang mga nasabing LGUs ang nagpapasya kung ano ang kailangang travel requirements.
Ang Boracay naman ay sakop ng hurisdiksyon ng Boracay Inter-Agency Task Force (BIATF) kung saan siya ay co-chair.
Ang Baguio naman ay gagamit ng antigen testing bilang substitute requirement sa halip na RT-PCR test.
Ang Ilocos Sur naman ay nangangailangan ng negatibong resulta mula sa antigen at RT-PCR.
Para kay Puyat, nag-iingat lamang ang mga LGU sa pagbubukas lalo na at responsibilidad ng local officials sakaling magkaroon ng outbreak sa kanilang nasasakupan.