Positibo ang Department of Tourism (DOT) na makakakahikayat ng mas maraming turista ang alok na libreng RT-PCR test.
Ayon kay Tourism Promotions Board (TPB) Officer for Marketing and Promotions Baby Landan, 350 turista kada araw ang pwedeng mag-avail ng libreng COVID-19 test.
Dahil dito, umaasa silang lalakas lalo ang turismo hanggang sa katapusan ng taon.
Inihayag din ni Landan na malaking tulong ang pagbalik-sigla ng turismo sa kanilang mga mangagawa na naapektuhan ng COVID-19 pandemic.
Facebook Comments