Umaasa ang Department of Tourism na tataasan pa ang bilang ng mga pasaherong papayagang pumasok ng bansa kada araw.
Ito ay matapos na itaas kahapon sa 4,000 ang daily inbound passengers na dumarating sa Ninoy Aquino International Airport.
Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni DOT Assistant Secretary Woodrow Maquiling Jr., na makakatulong kasi ang pag-uwi ng mga overseas Filipinos ngayong nalalapit na Kapaskuhan sa sektor ng turismo.
Inihalimbawa ni Maquiling ang pagdami ng nagbubukas na ngayong tourist destinations na maaaring bisitahin ng mga balikbayan.
Samantala, sa kasalukuyan ay umabot na sa halos 300,000 tourism workers sa buong bansa ang bakunado na kontra COVID-19.
Facebook Comments