
Iniutos ni Department of Transportation (DOTr) Acting Secretary Giovanni Lopez na bawiin ang paggamit ng protocol licensed plates na ibinigay ng ahensya.
Ayon sa inilabas na memorandum ng DOTr, nakasaad dito na ire-revoke ang lahat dating inisyu na protocol licensed plates para sa mga opisyal ng DOTr Central Office at sectoral at attached agencies at corporations upang maiwasan ang pang-aabuso sa paggamit ng special government licensed plates.
Bukod pa rito, ipinapasauli angt mga nasabing plaka sa Land Transportation Office (LTO) at ipinag-uutos sa kanila na i-review at linawin ang ilang probisyon ng Joint Administrative Order 2024-001 at ipasa ang updated inventory ng lahat ng mga plaka.
Bukod dito, ipinagbabawal na din ng Acting Secretary ang paggamit ng wang-wang, blinkers, at ibang signaling o flashing devices ng mga opisyal ng Central Office at mga Sectoral at Attached Agencies at Corporations alinsunod sa President Marcos Adminsitrative Order.









