DOTr, agad na nakipag-pulong sa MIAA at CAAP para gumawa ng solusyon sa problema sa mga paliparan

Agad na nakipag-pulong si Transportation Secretary sa mga Manila International Airport Authority (MIAA) at Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) matapos ang biglaang pagbisita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ito’y para pag-usapan at bumuo ng plano para maging maayos ang problema sa mga paliparan sa lalong madaling panahon base na din sa utos ng pangulo.

Bubuo din sila ng roadmap para malaman kung paano mababawasan ang mga aberya sa biyahe at kung ano ang maaaring magawa ng gobyerno para magkaroon pangmatagalang solusyon sa problema.


Hangad din ng DOTr at ng pangulo na maging komportable, ligtas at mapanatili ang seguridad nang lahat ng tumutungo ng airport lalo na ang mga bumibisita sa bansa.

Facebook Comments