DOTr Arthur Tugade, pinangunahan ang pagkuha ng driver’s license na may 5 year validity

Manila, Philippines – Nagtagal ng siyam na minuto ang pag-proseso ng driver’s license na mayroong five-year validity ni DOTr Secretary Arthur Tugade.

Ipinakita ng kalihim na dapat sa loob ng limang minuto ay tapos na ang pagproseso sa license cards.
Nagbabala si Tugade laban sa Fixer at korapsyon. Dapat kung gaano kabilis naproseso ang kaniyang ID, ganito rin dapat sa ordinaryong aplikante.

Ayon kay LTO Chief Edgar Galvante, ang pagpapalawig ng validity ng lisensya sa pagmamaneho ay upang bigyan ng convenience ang mga motorista sa pagkuha ng kanilang lisensya.


Nasa 400 walk-ins ang ia-accomodate ng kanilang tanggapan at ito ay yung mga bagong aplikante at yung magre-renew pa lamang ng kanilang mga lisensya.

Samantala, ang mga driver na nag-apply at nag-renew naman ng kanilang lisensya mula pa noong October 16, 2016 hanggang August 25, 2017 ay kinakailangan pang maghintay sa susunod na linggo para sa makakuha ng updated license.

Una nang nag-isyu ang LTO ng driver’s license sa Metro Manila na mayroong 5-year validity ngunit ito ay gawa muna sa papel dahil nagkaroon ng problema sa printing ang ahensya.

April 13, namang iginawad ng DOTr ang ₱830-million na halaga para sa pagbili ng five-year license cards sa Dermalog Identification Systems-CFP Strategic Transaction Advisors-Nextix Inc. Consortium.

Facebook Comments