DOTR Asec. Alberto Suansing kuntento sa bagong imbensyong Hydrogen Hybrid Car

Welcome Kay DOTr Asec. Alberto Suansing ang bagong imbensyong Hydrogen hybrid vehicle na ipinakilala kanina sa Motor Vehivle Inspection Section ng Land Transportation Office.

Ayon kay Asec Suansing, kuntento siya sa nakita sa paggana ng fossil hydrogen solution na imbensyon ng KCH Corporation.

Nakikita niyang makatotohanan ito kumpara sa naunang imbesyon na tubig ang gagamitin at di na gagamitan ng fossil fuel.


Sa ngayon ay kailangang dumaan muna sa serye ng pagsubok ang imbensyon para sa  pag apruba ng Departmen of Science and Technology.

Ikinokonek lamang ang machine sa fuel line na siyang nagsa-cycle ng Hydrogen solution na nagsasanhi ng matipid na gamit ng diesel

Ang hydrogen hybrid technology ay 100 percent safe at walang alteration o modification na gagawin sa makina ng sasakyan

Ayon kay Norberto Tarlet Malicdem na bumili at gumagamit na ng hudeogen hybrid vehicle, malaki ang naging katipiran sa diesel nang ginamit niya ang imbensyon.

Sa biyaheng Baclaran- Sucat vice versa.

Kung dati ay gumagastos siya ng 1500 sa diesel sa limang biyahe, ngayon ay 900 pesos na lamang ang gastos niya.

Mas lumakas ang hatak ng makina ng jeepney niya at nawala ang usok.

Maliban dito, namimintina ang lamig ng karburador ng kaniyang sasakyan.

Facebook Comments