DOTr Assistant Secretary Eymard Eje, sinisi ang publiko sa hindi pagsunod na sa social distancing sa MRT-3

Aminado si Department of Transportation o DOTr Assistant Secretary for Project Implementation na hindi na susunod ng maayos ang social distancing sa mga terminal ng Manila Metro Rail Transit System line 3 (MRT 3).

Pero sinisi niya ang mag pasahero ng MRT dahil, aniya, sadyang matitigas ang ulo ng mga sumasakay ng MRT at kulang sa disiplina.

Dagadag pa niya alam naman daw ‘yan ng publiko pero hirap pa rin sumunod.


Hindi, aniya, maco-control ang mga pasahero na nasa labas pa ng MRT.

Pero, aniya, kontrolado ng mga security guard ang lahat na pumapasok sa MRT at tinitiyak niya na hindi ito magsisiksikan sa loob ng train.

Iginiit niya na nasa 30 passengers lang ang pinapayagang makapasok sa train o pugon para maipatupad ang social distancing sa kahit sa loob nalang ng tren.

May nakahanda naman, aniya, na mga infrared thermal scanner ang mga security guard ng MRT 3.

Facebook Comments