Magkatuwang ang Department of Transportation (DOTr) at Department of Labor and Employment (DOLE) para tugunan ang lahat ng concern ng public transportation sector na matinding pinadapa ng COVID-19 pandemic.
Hinimok ni Transportation Secretary Arthur Tugade ang mga tsuper at konduktor ng public utility vehicles (PUVs) na nawalan ng kabuhayan dahil sa pandemya na magpalista para sa mga trabahong i-aalok sa iba’t ibang proyekto sa ilalim ng Build Build Build Program.
Kabilang na rito ang tinatayang 2,000 karagdagang trabaho na malilikha sa Philippine National Railways (PNR) Clark Phase 1 Project.
Mayroon ding iba pang oportunidad mula sa railways, aviation, road at ports sector.
Ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ay nagpapatupad ng service contracting program.