DOTr at LTFRB, nagbabalang sususpendihin ang prangkisa ng mga sasali sa tigil-pasada

Nagbabala ang Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga lalahok sa tigil-pasada ngayong araw.

Ayon kay Transportation Undersecretary Mark De Leon – posibleng suspendihin ang prangkisa ng mga makikilahok sa programa.

Obligasyon ng mga tsuper na pagsilbihan ang mga pasahero nito.

Giit pa ni De Leon – matagal na nilang natugunan ang mga puntong ipinoprotesta ng mga transport group.

Hindi lamang ang makina ng mga jeepney ang nais i-modernize ng DOTr, kundi pati na rin ang proseso ng mga operator.

Labag kasi anila ito sa memorandum na nilagdaan ng mga grupo para matiyak ang kapakanan ng mga commuter.

Facebook Comments