DOTr at LTFRB, nagbukas ng karagdagang 44 ruta ng mga pampublikong jeep at karagdagang mahigit 4,000 pampublikong jeep para makabiyahe na sa Metro Manila

Inihayag ngayon ng Department of Transportation na umaabot sa 44 na karagdagang ruta para sa 4,820 traditional Public Utility Jeepneys (PUJs) ang pinayagan na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na pumasada sa Metro Manila.

Ang naturang hakbang ay base na rin sa nakasaad sa inilabas na Memorandum Circular 2020-058 ng LTFRB.

Ayon sa DOTr, dahil dito ay umabot na sa 27,016 na traditional PUJs ang bumibiyahe sa 302 ruta sa Metro Manila simula nang ipatupad ang General Community Quarantine (GCQ).


Ang mga ruta ng traditional PUJs na bumibiyahe sa Metro Manila simula noong Hunyo 1, 2020 ay nasa 302 habang ang bilang ng otorisadong units ay 27,016.

Paliwanag ng DOTr, ang modern Public Utility Jeepney, ang ruta ay bukas sa 48 at ang otorisadong units ay umaabot sa 845 habang ang Public Utility Bus na ruta ay 34 at 4,016 naman ang authorized units.

Tinitiyak naman ng LTFRB na patuloy ang pagbubukas ng mga ruta para sa mga Public Utility Vehicles (PUVs) upang matugunan ang pangangailangan ng mga pasahero sa gitna ng nararanasang pandemya.

Facebook Comments