Manila, Philippines – Plantsado na ang kontrata sa rehabilitasyon ng MRT-3 sa pagitan ng DOTr at Sumitomo Corporation.
Katatapos lamang ang seremonya para sa contract signing ng proyekto sa rehabilitasyon ng MRT-3.
Sa report ng Department of Transportation, isinagawa ang contract signing sa Clark sa Pampanga.
Pinangunahan nina DOTr Undersecretary for legal affairs Reinier Paul Yebra at Sumitomo corporation managing executive officer Tsutomu Akimoto ang contract signing na sinaksihan nina Jica Chief Representative Yoshio Wada at iba pang matataas na opiayales ng DOTr at Somitomo.
Saklaw ng rehabilitation and maintenance project ang buong 16.9-kilometer line, 13 stations, lahat ng 72 Light Rail Vehicles (LRV), at ang MRT-3 depot sa North Avenue, Quezon City.
Sabi ng DOTr lahat ng sub-systems ay aayusin at isasailalim sa upgrading, kabilang na ang MRT track works, signaling system, power supply system, Overhead Catenary System (OCS), communications system, at ang maintenance and station equipment
Matatandaang naging kontrobersyal ang kinanselang kontrata sa pagitan ng noon ay DOTC at Aquino Adminsitration sa Buri Corp dahil sa halip na maging maayus ay sunud sunod na aberya ang naranasan ng mga sumasakay ng MRT-3