Kumpiyansa ang Department of Transportation (DOTr) na malaki ang maitutulong ng big-ticket projects ng kanilang kagawaran upang mabawasan ang traffic sa Metro Manila.
Ayon kay Transportation Secretary Jaime Bautista, kapag umano natapos na ang mga proyektong ito ay mas bibilis ang biyahe ng mga pasahero sa kanilang pupuntahan.
Positibo umano ang kalihim na maabot ang naturang deadline sa mga nakalatag na proyekto dahil puspusan ang konstruksyon at ginagawa para rito.
Aniya, magiging partial operational pa lamang kung sakali sa taong 2028 ang ginagawang North-South Commuter Railway (NSCR), Metro Manila Subway Project (MMSP), Metro Manila Transit Line 7 (MRT-7) at extension ng LRT-1, LRT-2, and MRT-3 sa bansa.
Samantala, binigyang diin din ng kagawaran na layon nitong mabigyan lamang ng maayos at komportableng biyahe ang mga pasahero patungo sa kanilang pupuntahan.