Binawi ng Department of Transportation (DOTr) ang naunang pahayag na payagan ang mga nakatayo sa loob ng mga pampublikong sasakyan.
Magugunita na sinabi ng DOTr na papayagan ang mga nakatayong pasahero basta’t sa pagitan kung saan wala siyang kaharap na pasahero.
Sa virtual presser ng DOTr, sinabi ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Martin Delgra na bagama’t nauna itong ikinokonsidera kasabay ng pagtataas ng passenger capacity bukas pero hindi ito ang napagkasunduan sa technical coordination meeting dahil sa pangambang magdulot ito ng kalituhan sa mga law enforcers.
Aniya, napagkaisahan na lamang na i-reconfigure ang porma ng PUV upang makapaglagay ng bakante kung saan pwedeng umupo ang ibang pasahero.
Magpupulong naman ngayong hapon ang DOTr at mga law enforcers para ilatag ang guidelines sa pagsisimula bukas ng 70 percent passenger capacity sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal