
Tiniyak ng Department of Transportation (DOTr) na nakikipag-ugnayan na sila sa mga nag-o-operate ng RFID.
Ito’y para ayusin ang mga aberya sa sistema kasunod ng mga naiuulat na hindi pag-angat ng mga barrier kahit sapat naman ang load sa RFID.
Ayon kay Transportation Sec. Vince Dizon, kailangan pa aniyang ayusin ang koneksyon ng RFID sa mga expressway bago ipatupad ang One RFID system kung saan isang RFID na lamang ang gagamitin sa mga toll booth.
Aniya, binigyan lamang nila ng hanggang unang bahagi ng 2026 ang Metro Pacific Tollways at San Miguel Corporation para ayusin ang mga aberya.
Una nang sinabi ng Transportation Department na hindi naman kailangan ang dalawang magkahiwalay na RFID sticker para sa magkaibang portions ng mga highway.
Facebook Comments









