Iminungkahi ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade sa mga senador na gamitin ang pondo ng Bayanihan 2 sa ilalim ng Bayanihan to Recover as One Act para sa libreng beep cards ng mga commuter.
Ayon kay Tugade, iniutos na niya sa kaniyang mga kasamahan na silipin kung maaaring makuha sa Bayanihan 2 ang ililibreng beep cards.
Dagdag pa ni Tugade, naglaan ng P80 milyon ang ahensya para sa isang milyong beep cards na nagkakahalaga ng P80.00 kada isang card kung saan load na lang ang magiging gastos ng mga pasahero.
Sa ilalim ng Bayanihan 2, layunin ng DOTr na matulungan ang mga stakeholder sa sektor ng transportasyon na naapektuhan ng COVID-19 pandemic.
Nakikipag-ugnayan na ang pamunuan ng DOTr at ang beep commercial office sa mga bus operator para sa gagawing cashless payment system.