DOTr, dapat mamigay ng libreng face shield sa mga mahihirap na commuters

Sa tingin ni Senator Imee Marcos, magiging dagdag na pasanin at gastos para sa mga naghihikahos na mga Pinoy ang panibagong ‘mandatory requirement’ na face shield ng Department of Transportation (DOTr) sa mga pasahero sa jeep, bus tren at eroplano na ipatutupad simula sa August 15, 2020.

Sang-ayon si Marcos na makakatulong ang face shield na proteksyon laban sa COVID 19.

Pero ang punto ni Marcos, mas mainam na ipamigay ito ng libre ng DOTr upang hindi na maging dagdag pahirap sa mga Pilipino na nawalan ng trabaho, kapus sa pambili ng pagkain at ibang pangangailangan kaya tiyak wala ring pambili ng face shield.


Nabatid ni Marcos na naglalaro lang sa ₱30.00 hanggang ₱40.00 ang presyo ng face shield pero bigla itong tumaas sa halagang ₱60.00 hanggang ₱65.00 bawat piraso.

Facebook Comments