DOTr, DILG at DPWH, magtutulungan para palakasin ang implementasyon ng speed limits sa mga kalsada

Manila, Philippines – Magtutulungan na ang Department of Transportation (DOTr), Department of the Interior and Local Government (DILG) at Department of Public Works and Highways (DPWH) para palakasin ang implementasyon ng speed limits sa mga kalsada para isulong ang road safety sa bansa.

Ito ay matapos ilunsad ng mga ahensiya ng pamahalaan ang Joint Memorandum Circular o JMC ‎2018-001 para bigyan ng classification ang mga kalsada para sa speed limit setting.

Ito rin ang siyang magbibigay ng mga guidelines at bubuo ng mekanismo ng koordinasyon para sa pagtatakda ng mga speed limits sa mga pangunahing kalsada.


Nilikha ito upang palakasin ang pagpapatupad ng Republic Act 4136 o Land Transportation and Traffic Code.

Sa naturang circular pinapayagan din ang National at Local Government Units na magtulungan tulad ng pagbalangkas ng ordinansa kung papano i-classify ang mga kalsada sa kanilang lugar para maipatupad ang speed limits ng mga sasakyan.

Base sa pag-aaral ng World Health Organization (WHO) ang bilis ng pagpapatakbo ng sasakyan ang isa sa mga pangunahing dahilan ng mga aksidente sa lansangan.

Facebook Comments