Manila, Philippines – Dumipensa ang Department of Transportation (DOTr) matapos punahin ng ilang senador ang umano’y mabagal na paggasta ng ahensya sa pondo nito.
Giit ni DOTr Assistant Secretary Goddes Hope Libiran – hindi porket mababa ang disbursement rate ay wala nang natatapos na proyekto ang ahensya.
Katunayan aniya, aabot na sa 243 port projects ang kanilang natapos na kung tutuusin ay lampas na sa higit 100 proyektong nakalinya sa “Build, Build, Build Program” ng administrasyon.
Kabilang rito ang mga bagong paliparan gaya ng Bohol Panglao International Airport.
Kasabay nito, nanindigan ang DOTr na hindi na nila ipipilit ang paghingi ng special powers para kay Pangulong Duterte para mapabilis ang implementasyon ng mga proyekto.
Facebook Comments