DOTr Emergency Operations Center, nagpapatuloy sa paghatid ng serbisyo publiko sa mga frontliners

Simula nang mag-umpisa ang operasyon ng Emergency Operations Center (EOC) ng Department of Transportation (DOTR) noong March 19 hanggang April 5, nasa 1,534 concerns na ang natanggap at natugunan na mga tawag nito.

Ayon kay DOTr Secretary Arthur Tugade kung mayroon mga nais itanong ukol sa transportasyon, i-tawag o i-text lamang ito sa EOC.

Anya I-dial lamang ang #840-55-500 at huwag kalimutang lagyan ng hashtag o number sign (#), para TOLL-FREE o WALANG BAYAD ang tawag.


Bisitahin din anya ang kanilang official Facebook account upang malaman kung iba pang mahaba laban impormasyon ukol dito.

Tatanggap anya ang DOTr EOC ng tawag mula 7AM hanggang 7PM, Lunes hanggang Biyernes, at 8AM hanggang 12NN naman tuwing Sabado at Linggo.

Bukas naman anya ang DOTr EOC na tumanggap ng text messages 24/7.

Ang mga concerns na maaaring itanong ay tungkol sa Bus Service for Health Workers Program, tungkol sa airline at airport operations, At tungkol sa operasyon sa mga pantalan, cargo, at sasakyang pandagat.

Facebook Comments