DOTr: Face masks, mandatory pa rin sa mga tren

Nananatili pa ring mandatory ang pagsusuot ng facemask sa LRT, MRT at PNR sa gitna ng tumataas na kaso ng COVID-19 sa buong bansa.

Ayon kay Department of Transportation (DOTr) Assistant Secretary for Railways Jorjette B. Aquino, mananatiling mandatory ang pagsusuot ng face mask sa loob ng mga tren bilang preventive measure laban sa COVID-19.

Gayunpaman, nagiging opsyunal ang patakaran para sa mga istasyon ng PNR dahil lahat sila ay mga open air space.


Dagdag pa ni Aquino na ang mga tauhan ng seguridad na naka-deploy sa lahat ng mga istasyon at tren ay makatutulong na matiyak na ang patakaran ay mahigpit na ipinatutupad.

Matatandaan na naglabas kamakailan ang Department of Health (DOH) ng mga bagong alituntunin sa pagbibigay ng pangalawang booster shot sa pangkalahatang populasyon ng nasa hustong gulang sa mga Local Government Units.

Facebook Comments