DOTr, gumagawa na ng paraan upang matugunan ang nakaambang pagkukulang ng suplay ng beep card

Naghahanap na ng paraan ang Department of Transportation (DOTr) upang matugunan ang nakaumang na pagkukulang ng suplay ng beep card.

Sa harap na rin ito ng nararanasang pandaigdigang pagkukulang sa produksyon ng chip na ginagamit sa paggawa ng stored value card.

Nag-abiso na kasi ang beep card provider na hindi na nito kakayaning i-deliver ang 75,000 stored value card para sa pangangailangan ng MRT-3 para sa buwan ng Hulyo 2022.


Dahil dito, inatasan na ni DOTr Secretary Jaime Bautista ang mga public transport operator ng mga tren na gumawa ng alternatibong hakbang sa pagkontrol ng pag-iisyu ng SVCs.

Aniya, asahan na kasing tataas ang demand ng SVCs agyong bumabalik na sa normal ang operasyon ng rail transit system.

Payo ng transport agency sa mga beep card holder, ingatan ang mga ito dahil sa matinding pangangailangan nito sa pagbubukas ng klase.

Facebook Comments