Handa ang Department of Transportation (DOTr) na ipatupad ang suhestyon ng National Economic and Development Authority (NEDA) na itaas sa 75% ang kapasidad ng mga pampublikong transportasyon sa bansa.
Ayon sa DOTr, hihintayin nila ang magiging desisyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) hinggil sa naging rekomendasyon ng NEDA.
Anuman ang magiging pasya ng IATF ay tatalima ang kagawaran.
Pagtitiyak din ng ahensya na mahigpit na ipinapatupad ang health protocols sa mga pampublikong transportasyon.
Matatandaang bukod sa pagpapataas ng kapasidad ng public transportation, iminungkahi rin ng NEDA na isulong ang active transport systems tulad ng bike lanes, at mas maraming bumibiyaheng provincial buses.
Facebook Comments