DOTr, hindi magpapatupad ng mandatory na pagsusuot ng face mask sa public transportations

Tiniyak ni Transportation Secretary Jaime Bautista na hindi sila magpapatupad ng mandatory na pagsusuot ng face masks sa mga pampublikong sasakyan.

Sa harap ito ng pagkakaroon ng ilang kaso ng “walking pneumonia” sa bansa.

Tiniyak din ng kalihim na hindi na sa presensya ng “walking pneumonia” sa bansa, wala aniyang mangyayaring “no face mask, no entry” policy sa ports tulad noong panahon ng COVID-19 pandemic.


Sa kabila nito, inihayag ng kalihim na hinihikayat niya pa rin ang publiko na magsuot ng proteksyon.

Una na ring inihayag ng DOH na hindi sila magrerekomenda ng mandatory wearing na pagsusuot ng face masks bagama’t tumataas sng kaso ng COVID-19 at respiratory illnesses sa bansa.

Facebook Comments