Nanindigan ang Department of Transportation (DOTr) na hindi na makikipag-dayalogo pa ang pamahalaan sa mga transport group at kooperatiba na hindi nakapag-consolidate para sa PUV Modernization program.
Ito’y matapos mapaso ang deadline na itinakda ng pamahalaan noong April 30.
Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni DOTr Executive Assistant to the Secretary Jonathan Gesmundo, siyam na beses na-extend ang deadline para sa franchise consolidation.
Siyam na beses na rin aniyang pinaliwanagan ng pamahalaan ang mga ito, at siyam na beses na ring pinagbigyan ang hiling ng transport groups.
Nagbigay na rin aniya sila ng equity subsidy pandagdag sa downpayment ng mga ito at pinadali na ang mga hinihinging requirements.
Sa kasalukuyan, ay nakatutok na aniya ang DOTr sa pagsu-sulong ng mga susunod na hakbang ng PUV modernization program.