DOTr, hinikayat ang opisyal ng European Union na mag-invest sa transport projects

Hinikayat ng Department of Transportation (DOTr) ang mga opisyal ng European Union – Association of Southeast Asian Nations Council o EU-ASEAN at European Chamber of Commerce of the Philippines o ECCP na mamuhunan ang mga ito sa big-ticket Infrastructure Transport Projects.

Ayon kay Transportation Secretary Jaime Bautista, kasama ang ilang ahensiya ng transportasyon ang added value ng mga proyekto na ipinatutupad ng DOTr sa pakikipagtulungan ng international Financial Institutions, foreign governments at business groups dahil sa limitasyon sa budget, ay nagsilbi aniyang Most Viable option ang Project Financing mula sa foreign business groups para sa mga proyekto.

Paliwanag ni Bautista sa EU-ASEAN Business Council at ECCP na ang pinakamalaking balakid ay ang pagkukunan ng pondo dulot ng sapat lamang na national budget ng gobyerno matapos ang pinagdaanang pandemya.


Ipinunto ng kalihim na inialok na ang iba’t ibang infrastructure Transport Projects sa International Financial Institutions, Private Investors at Professional Associations at Industry groups.

Samantala, Mahalaga umanong matulungan sila sa pagpondo sa mga proyekto sa ilalim ng Public-Private Partnership lalo’t mayroong nakalatag para sa Airports, Rails, Roads at Maritime Sectors.

Facebook Comments