DOTr, humirit na maisama ang PH bike lanes sa Google Maps

Isinusulong ngayon ng Department of Transportation (DOTr) na maisama ang bike lane routes sa Pilipinas sa dashboard ng popular real-time navigation app na Google Maps upang maasistihan ang mga gumagamit ng bisikleta sa pagpasok sa kanilang trabaho.

Ayon Kay Transport Secretary Art Tugade, kasalukuyan na silang nakikipag-ugnayan sa Google kaugnay sa naturang proyekto.

Ani Tugade, mainam na innovation ito sa Google Maps lalupa’t maraming Pilipino na ang nagbibisikleta. Hindi lamang bilang mode of transportation at sa signipikanteng dulot nito sa kalusugan sa gitna ng COVID-19 pandemic.


Kumpiyansa ang DOTr na mapagbibigyan ng Google ang kanilang kahilingan.

Halos nakumpleto na ng DOTr ang 500-kilometer bike lane network sa mga metropolitan cities sa buong bansa katulad ng Metro Manila Cebu at Davao.

Facebook Comments