DOTr : “Huwag munang umasang gaganda agad ang serbisyo ng train system sa bansa”

Manila, Philippines – Umapela ang Department of Transportation (DOTr) sa mga pasahero ng Metro Rail Transit (MRT) line 3 na huwag munang umasang gaganda agad ang serbisyo ng train system.

Ito’y matapos putulin ng ahensya ang kontrata ng maintenance provider ng MRT-3 na Busan Universal Rail Incorporated (BURI).

Ayon kay Transportation Undersecretary Cesar Chavez, sinisimulan na nilang bumuo ng transition team habang naghahanap ng papalit sa BURI.


Nagpakita na ng interest ang SMRT ng Singapore, Raptc ng France at Sumitomo na dating maintenance provider ng MRT na hawakan ang MRT 3.

Facebook Comments