Inihayag ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade na nagpapatuloy ang Pilipinas sa pagsulong ng mga programa nito kaugnay sa maritime sector sa kabila ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Kaya naman, ibinida nito sa global maritime leaders ang mga nagawang proyekto ng bansa upang mapalago at mapalakas ang maritime industry at seafaring activities ng bansa.
Sa kaniyang apat na minutong talumpati sa World Maritime Day 2020 kahapon, bilang bahagi ng isang linggong selebrasyon ng 75th Session of the UN General Assembly, sinabi nito na nakapagproduce ang Pilipinas ng 1.5 million seafarers worldwide kung saan 25% nito o 370,000 ay mga Pilipino.
Ibinida rin nito na simula 2016, 369 na mga port project ang natapos na sa ilalim ng Duterte Administration.
Nagpasalamat din si Tugade sa global maritime leaders sa patuloy nitong pagsuporta sa bansa habang isinusulong ng gobyerno na maging isang maritime nation ang bansa.