DOTr, iminungkahing panatilihin ang kapasidad ng pampublikong transportasyon sa NCR sa ilalim ng ECQ

Bagamat wala pang inilalabas na guidelines ang pamahalaan patungkol sa public transportation sa ilalim ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Metro Manila, irerekomenda ng Department of Transportation (DOTr) na panatilihin ang kasalukuyang kapasidad at supply ng pampublikong transportasyon.

Sa kasalukuyan, ang public transport capacity ay 50-percent, kung saan 80-porsyento ng public utility vehicles (PUVs) ang pinapayagan ang mag-operate, habang may biyahe rin ang rail transport systems.

Sa interview ng DZXL RMN Manila kay Transportation Assistant Secretary Goddes Hope Libiran, isinasapinal pa ng Inter-Agency Task Force (IATF) at DOTr ang guidelines ng public transportation para sa dalawang linggong lockdown sa Metro Manila.


Sinabi rin ni Libiran na anuman ang magiging desisyon ng IATF ay kanilang susundin.

Inaasahang maglalabas ang DOTr ng pinal na guidelines sa gagawing press conference sa Lunes o Martes.

Samantala, inanunsyo ng Philippine Airlines, Cebu Pacific at Air Asia na tanging essential travel lamang ang papayagan.

Facebook Comments