DOTr, inanunsyo na ang nanalong bidder para sa rehabilitasyon ng NAIA

Inanunsyo ng Transportation Department na nakuha ng San Miguel Group ang ₱171 billion contract para sa rehabilitasyon ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ayon sa DOTr, nakatakda silang lumagda ng concession agreement ng SMC SAP sa March 15.

Sakop ng rehabilitasyon ang landside at airside operations ng NAIA.


Layon ng gagawing improvement sa airport facilities na maka-comply sa requirements ng International Civil Aviation Organization (ICAO) at iba pang international standards.

Facebook Comments