DOTr, inatasan ang mga railway operator na higpitan ang face mask mandate dahil sa tumataas na kaso ng COVID-19

Inatasan ng Department of Transportation (DOTr) ang mga railway operator na maghigpit sa pagpapatupad ng face mask mandate.

Ito’y makaraang iulat kamakailan ng Department of Health (DOH) ang muling pagtaas ng mga naitatalang kaso ng COVID-19.

Ayon kay Transportation Assistant Secretary for Railways Jorjette Aquino, pinaalalahanan nito ang pamunuan ng Light Rail Transit o LRT, Metro Rail Transit o MRT at Philippine National Railways o PNR na tiyaking nakasuot ang face mask ng mga pasahero sa lahat ng oras.


Sakaling makaranas ng sintomas ng COVID-19 ang mga opisyal, kawani at mga tauhan ng rail sector, inatasan ni Aquino ang mga ito na agad sumailalim sa testing.

Mahigpit ding binilinan ng DOTr ang publiko na iwasan ang pakikipag-usap sa kapwa pasahero o pagsagot sa tawag sa cellphone habang nasa tren upang maiwasan ang pagkalat ng virus.

Facebook Comments