DOTr, iniutos sa LTO na parusahan ang mga drivers na hindi humihinto sa rail lines

Papatawan na ng mabigat na parusa ang mga pasaway na drivers na ayaw huminto sa railroad crossings.

Kasunod ito ng apela ng Philippine National Railways (PNR) sa Department of Transportation o DOTr na patawan ng mabigat na parusa ang mga driver na sinasadyang pumasok sa operating line ng tren na nagbubunsod sa banggaan.

Iniutos ngayon ni DOTr Undersecretary for Road Transport and Infrastructure Mark de Leon sa Land Transportation Office (LTO)  na mahigpit na ipatupad ang Section 42 ng Republic Act no. 4136 o ang  “Land Transportation and Traffic Code” .


Inatasan din ni de Leon ang PNR na magtatag ng enforcement mechanism na sundin ng mga sasakyan na daraan operating lines nito.

Maliban sa usapin ng kaligtasan, mahalaga aniya na mapangalagaan ang rail infrastructure na ginastusan ng malaki ng gobyerno.

Nauna rito, pito katao ang nasugatan kabilang ang isang sanggol matapos magbanggaan ang tren at isang van sa Calamba, Laguna Martes noong September 3.

Facebook Comments