DOTr, ipinag-utos na sa LTRFB na mag-isyu ng special permit ngayong Undas

Maglalabas din ang DOTR-LTFRB ng special permit dahil sa inaasahang dagsa ng mga pasahero ngayong Undas.

Ayon kay Department of Transportation (DOTr) Secretary Giovanni Lopez, nais nilang matiyak na may sapat na bus na aalalay sa mga pasahero lalo na ngayong peak o dagsa ng mag-uuwian.

Nais ding masiguro ng ahensya na safe at makauuwi nang maayos ang lahat ng mananakay na uuwi sa kanilang mga pamilya at makadalaw sa kanilang mga mahal sa buhay.

Kung kaya, mag-iisyu sila ng special permit sa mga bus para umalalay sakaling magkulang ang mga bumibiyahe.

Kanina nang ininspeksyon ng DOTr ang mga terminal sa Pasay kung saan nadiskubre ang ilang kakulangan sa mga ito gaya ng electric fan, maayos na palikuran, privacy para sa mga nagbe-breastfeed at online booking services ng bawat bus company.

Go back

Your message has been sent

Warning
Warning
Warning
Warning

Warning.

Facebook Comments