
Iniutos ni Acting Transportation Secretary Giovanni Lopez sa Land Transportation Office (LTO) na magdagdag ng payment options kabilang ang cash payments para sa renewal ng mga motor vehicles at Private Motor Vehicle Inspection Centers (PMVICs).
Reklamo kasi ng ilang mga motorista na iisa kilalang e-wallet lang ang payment option para sa PMVIC Renewal Facility at ang mataas na convenience fee na aabot sa ₱65.
Ayon kay Lopez na hindi na dapat pahirapan pa ang ating mga kababayan dahil malaking halaga ang ₱65 na pupwede sana nila magamit sa ibang bagay tulad ng pambili ng pagkain o pamasahe.
Dapat din aniya na magkaroon ng flexible payment dahil hindi naman lahat ay may online mobile wallets.
Dahil dito, inatasan ng kalihim ang LTO na humanap ng paraan upang matanggal o mabawasan ang convenience fee at i-review ang terms ng Vehicle Renewal Facilities para sa pagtanggap ng cash bilang payment at pag-adress din sa isyu ng convenience fee.
Samantala, nilinaw naman ng LTO na ang VREF ay hindi saklaw ng ahensya sa Angono, Rizal ngunit sa kalapit nitong PMVIC.









