DOTr, ipinagutos sa LTO na palakasin pa ang pagpapatupad ng Anti-Smoke Belching sa kabila ng ECQ at GCQ

Inihayag ni Transportation Secretary Arthur Tugade na ipinagutos niya sa Land Transportation Office o LTO na palakasin pa ang pagpapatupad ng Anti-Smoke Belching kahit pa ipinatutupad ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) at General Community Quarantine (GCQ).

Ito’y matapos lumabas sa pag-aaral ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), Institutes of Environmental Science and Meteorology ng University of the Philippines Diliman, at Airtoday.ph ang gumandang kalidad ng hangin sa Metro Manila nang ipatupad ng pamahalaan ang Luzon-wide ECQ.

Ayon kay Tugade, para matiyak na mapanatili ito, kahit ipatupad na ang GCQ sa Metro Manila, kailangan ngayon pa lang ay siguraduhing na sumusunod ang mga sasakayan sa emission standard na ipinatutupad sa bansa.


Naniniwala naman ang kalihim na ang pagkakaroon ng clean air o malinis na hangin ay malaking tulong upang pigilan ng pagkalat pa ng Coronavirus Disease 2019 o COVID-19.

Aniya, ang nasabing kautusan ay para matiyak na ang transportation sector ay kaisa ng gobyerno sa paglaban kontra sa nasabing virus.

Facebook Comments