
Mahigpit na ipinag-uutos ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Vince Dizon ang pagsasara sa isang bakanteng lote, na ginawang makeshift terminal ng Mega Bus Company sa Malibay, Pasay City.
Ayon kay Secretary Dizon, hindi natupad ng bus company ang minimum requirements ng isang lehitimong terminal na dapat sinusunod ng management.
Dahil dito, ipinatawag na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang Mega Bus Company makaraang inspeksyunin ni Secretary Dizon ang terminal noong Semana Santa.
Matatandaan na una ng ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa mga ahensya ng gobyerno na tiyakin ang ligtas at maginhawang paglalakbay ng mga pasahero.
Sa kanyang inspeksyon sa terminal ng Mega Bus Co., nakita ni Secretary Dizon ang kawalan ng magagamit na banyo at mga pasilidad ng komunikasyon.
Gayundin ang priority lanes para sa mga Senior Citizen at PWDs, Land Transport Security Plan, resting area na may sapat na bentilasyon at ilaw, online ticketing at dispatching, at marami iba pa pero bigong sumunod ang naturang bus company.









