DOTr, kakalampagin ng Palasyo para sa pagpapatupad ng travel ban sa UK dahil sa bagong strain ng coronavirus

Tiniyak ng Malacañang na kakalampagin nito ang Department of Transportation (DOTr) kaugnay sa pagpapatupad ng travel ban sa mga biyaherong magmumula sa United Kingdom dahil sa bagong strain ng COVID-19.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, naniniwala siyang ligtas makapasok sa bansa ang mga biyahero basta’t susunod sa protocol bago lumabas ang resulta ng Reverse Transcription – Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) testing.

Pero tama rin aniya ang mga rekomendasyong magpatupad ng temporary travel ban sa UK.


Hinimok din ni Roque ang publiko na sumunod sa abiso ng World Health Organization na mag-ingat laban sa bagong coronavirus variant.

Batay sa mga public health expert, ang bagong strain ng virus na nakita sa UK ay itinuturing nang “out of control” kung saan nasa 70% ang transmissibility rate nito.

Facebook Comments