
Nag-inspeksyon si Transportation Acting Secretary Giovanni Lopez sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) bilang paghahanda sa nalalapit na Undas.
Kasama ni Secretary Lopez sa pag-iikot ang presidente ng New NAIA Infrastructure Corporation (NNIC) ng San Miguel Corporation na si Ramon Ang.
Kabilang sa ininspeksyon ng DOTr at NNIC ang kabubukas lamang na mezzanine food hall sa NAIA Terminal 3 na may 10 restaurant at inaasahang 22 pa na kainan ang target buksan hanggang sa Disyembre.
Ayon sa DOTr, ito ang sinasabi nilang world-class na mae-experience ng mga pasahero para tuluyan nang mawala ang NAIA sa listahan ng mga worst airport at maging best airport sa record.
Nagpasalamat naman ang DOTr sa NNIC sa patuloy na pagpapaganda sa terminal para magkaroon ng komportableng at ligtas na biyahe ang mga pasahero.









